Thursday, December 29, 2011

walang magawa, walang ligo


sa sobrang bored at walang ibang maisip gawin, ito ang nangyari sakin. normal look yan, even though parang ilang araw na akong hindi naliligo. hahaha. sira ang ulo ko ngayon, kaya pati tiyan ko sira rin. reklamo ng reklamo. hindi ako makatulog dahil ora orada gusto kong mag jebs. kaya pansensya na. haha. wala lang talaga akong magawa.:)

dalawang araw nalang pala at 2012 na. hmm. anong magandang gawing new year's resolution? hehe. hindi talaga ako mahilig sa mga new year's resolution, kasi para sa 'kin kung may gusto ka talagang bagohin sa sarili mo, hindi mo na kelangan hintayin ang paglipat ng taon para magbago. pwede namang sa oras na talagang maisipan mo kung anong gusto mong bagohin eh bagohin mo na sarili mo diba. siguro ang akin lang sa susunod na taon, may mga bagay lang siguro akong gustong ma accomplish para sa sarili ko bago mag 2013. gaya ng bumalik sa bahay namin na pinutikan ni bagyong sendong. o di kaya ay makasal na. hahaha. siguro i'll come up with a list. but for now, ligo muna ako.:)

No comments:

Post a Comment